new icn messageflickr-free-ic3d pan white

EkspoSining (Central Luzon State University)

Si SHUBERT "MVI" CIENCIA (kaliwa) ay ipinanganak sa Bambang (Nueva Vizcaya), nag-grade 1 sa Naguillian (Isabela), balik sa Bambang para sa grade 2, grades 3 at 4 sa Mapandan (Pangasinan), grade 5 sa Paniqui (Tarlac), sa Bambang ulit para sa grade 6, 1st -3rd year high school sa Alicia (Isabela), tapos Bambang ulit. Nakatira siya ngayon sa Nueva Ecija kung saan nagpapatuloy ang kanyang mga kamanghamanghang paglalakbay sa Pilipinas at ibang bansa.

 

Ipinakilala siya sa daigdig ng mga lumang simbahan ng isa ring kapwa lagalag. Madalas siyang magbiyahe at minabuti na nga niyang daanan ang mga ito kung may pagkakataon. Pang-alis baga ng buryong. Na ikinatataka ng jowa niya dahil hindi naman siya relihiyoso. “Berto, akala ko pagano ka. Baka kung ano na yan ha! Puputulin ko yan!”

 

Ilang taon ang lumipas bago niya napagmunimunihan kung bakit nga ba adik siya sa mga lumang simbahan. Missionary teacher ang kanyang nanay samantalang literature evangelist naman ang tatay niya. Palaging katabi o malapit sa mga simbahan ang kanilang mga tinirhan. Siguro naging ugali na niya na dapat na may simbahan siyang naaamoy palagi. Maaaring ito rin ang dahilan kung bakit allergic siyang magsimba. Nanawa kumbaga.

 

Sa mga simbahan din niya inumpisahan ang paghahanap sa kanilang nakaraan. Dito niya natuklasan na may kinalalaman ang mga ito sa pagtakas ng mga ninuno ng nanay niya mula Ilocos Norte papuntang Nueva Vizcaya. At sa simbahan ng Obando din niya natagpuan ang isang dokumento na nagsasabing ang apelyido pala ng mga ninuno ng tatay niya noon ay Ciencia Cruz. Hindi pa niya alam kung may lahi silang prayle.

 

Si Shubert ay isang rural development manager ng Philippine Rural Reconstruction Movement, aktibong kampanyador ng Social Watch Philippines at Rice Watch and Action Network, at nakikisawsaw sa iba pang mga NGO network at koalisyon.

 

(Kaugnay na babasahin ukol sa EkspoSining sa bigberto.blogspot.com/2007/08/eksposining.html).

 

Nikon D40 (EkspoSining Photo Exhibit, August 2007. Ang larawan ay kuha ni Tolits Circa).

2,898 views
0 faves
2 comments
Uploaded on January 9, 2008