new icn messageflickr-free-ic3d pan white
Ang Multo sa Kulambo, Winston Hernandez | by paghilomcavite
Back to album

Ang Multo sa Kulambo, Winston Hernandez

Tila pinamumugaran ng mga multo ang mga bakanteng kulambo sa instalasyon ni Hernandez. Ang imahen ay hango sa realidad ng karahasan na hinaharap ng mga komunidad na naiipit sa giyera. Sa tuwing magkakaroon ng engkwentro o operasyon, naiiwang nakasabit at walang laman ang mga kulambo.

Si Winston Hernandez ay nagtapos ng kursong B. S. Architecture at naging Retired Senior Architect and Interior Designer sa Dubai, U.A.E. ). Simula pa taong 1987 ay nagkamit na siya ng mga parangal sa iba't-ibang paligsahan at naging bahagi ng mga group exhibition. Nagsilbing Board Director (1992-1993) at kalihim (1993-1994) si Hernandez ng Art Association of the Philippines.

 

122 views
0 faves
0 comments
Taken on February 9, 2017