new icn messageflickr-free-ic3d pan white
Erehiya, Henry “Bokeng” Ancanan | by paghilomcavite
Back to album

Erehiya, Henry “Bokeng” Ancanan

Hango ang instalasyong Erehiya sa pamahiin sa pagtatanim ng mga magsasaka. Ang erehiya ay tumutukoy sa mga ritwal na ginagawa ng mga magsasaka upang magtamasa ng magandang ani. Kasama rito ang pagdarasal, pagtula at paggawa ng mabuti bago ang pagtatanim. Erehiya din ang kailangan sa pag-aasam at pagkakamit ng kabutihan ng ating bayan at kapaligiran.

*Nakatira sa Amadeo, Cavite si Bokeng Ancanan, isang artista at guro ng sining na bahagi ng Pito-pito Artist Group. Nagkamit siya ng tropeo sa mga patimpalak ng Shell, Metrobank at GSIS, at tinanghal ring Juror’s Choice sa isang kompetisyon ng Art Associations of the Philippines. Pinamagatang “Networks and Internets” ang unang solo show ni Ancanan.

 

98 views
0 faves
0 comments
Taken on February 9, 2017