new icn messageflickr-free-ic3d pan white

Drag to set position!

Joshua Clemente ADMIN November 27, 2011
The Advent Season is Here

Merry Christmas

Group Description









Holiday season is Here again, and Many of Us are Busy in what we will give to our love ones, but let us Remember why we celebrate Christmas... It is JESUS who was born on that day, GOD'S love was manifested by his humble birth, born of a Virgin in a lowest ground of stable. He was born for us for us to be saved and redeemed


Photobucket

...A Holiday greetings to all from this Group dedicated to this Yuletide Season, "CHRISTMAS: A Season of Joy, Hope and Love!!!"







Kapayapaan kay Kristo!!!

Welcome to the Group: "CHRISTMAS: A Season of Joy Hope and Love" This group is associated to the Group: "The Art of Philippine Santo-Ang Sining ng Santong Pilipino."

Niño Jesus de La Natividad

nativity scene


Belen de Binangonan Sto. Nino Bambino ( Detail from a Belen ) Ihanda ang Sarili.

Sa Grupo po na ito, tampok ang iba't-ibang mga pamamaraan ng pagdiriwang ng pasko sa Pilipinas at sa Buong Mundo, mga Pagninilay sa mga kaganapan nang Unang Pasko, na siyang kapanganakan ng ating Manunubos, at mga usapin ukol sa mga tradisyon, gawi o customs, mga tips sa paglalagay ng mga palamuting pamasko, mga Santo na rin na may kinalaman sa okasyon, at maraming marami pa pong iba na nauukol sa pagdiriwang ng Pasko.

Kilala ang mga Pilipino sa mundo bilang Bansang may pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko. Sinasabing ang Pasko sa Pilipinas ay nagsisimula sa Unang Araw ng Simbang Gabi o "Misa De Gallo" at natatapos sa pagdiriwang ng kapistahan ng Tatlong Haring Mago na ngayon ay kilala sa Tawag na "Epiphany" Subalit kung sa paagahan, angat ang mga Pilipino pagdating rito sapagkat pagtuntong pa lamang ng unang araw sa buwan na may 'Ber' marami na sa mga Pilipino ang naglalagay ng mga pamaskong dekorasyon, at lalo na, ang pagsisimulang patugtugin ang mga awiting pamaskong hindi magawang pagsawaang pakinggan, ang iba, ay abala na sa pagpaplano para sa kanilang ipangreregalo para sa mga inaanak, o mga mahal sa buhay. Nananabik naman ang iba para sa mga handa sa Noche Buena, lalo na ang pinakatampok na pagkain, ang Hamon at ang Keso de Bola. Sa mga Simbahan naman at labas ng mga tahanan, may mga kumukutikutitap nang mga bumbilyang nagliliwanag sa kapaligiran, habang nararamdaman na ang paglamig ng simoy ng hangin.

Iba talaga ang pakiramdam ng bawat isa tuwing sumasapit ang panahon ng Kapaskuhan, dama sa puso ang kanyang diwa, sapagkat ito ang panahon na inaalala natin ang dakilang misteryo ng pag-ibig ng Diyos sa Sanlibutan...sa pagbibigay niya sa atin ng kanyang bugtong na anak, na naganap sa kanyang pagsilang dito sa Daigdig...ang tunay na dahilan ng Pagdiriwang ng Pasko

Kaya naman ito, ay kailangang maging araw-araw, hindi lamang sa araw na ipinagdiriwang natin ito. alalahanin natin ang isang awiting nagsasabing ganito...:

"...At, magmula ngayon, kahit hindi pasko
ay magbigayan..."

Pagkat ang Pasko ay ang Panahon ng Pagbibigayan at pagmamahalan tulad ng pag-ibig ng Diyos sa Sanlibutan

"Nawa ang Diwa ng Pasko ay manatili sa Puso ng Bawat isa!"

Sumasainyo:
Bambino De Belen(Francisco Maria De Belen)
Founder/Admin

Additional Info

  • This group will count toward the photo's limit (60 for Pro members, 30 for free members)
  • Accepted content types: Photos, Videos, Images, Art, Screenshots
  • Accepted safety levels: Safe
Groups Beta