Special thanks to www.flickr.com/photos/tagtagainep19/ for giving me a pro account

Life
isabelo m. Santos
92 caingin, san rafael, bulacan
philippines

there’S a time for joy,
there’S a time of grieving,
there’S a time to laugh,
there’S a time for crying.

There’S a time to sow,
there’S a time of reaping,
there’S a time of birth,
there’S a time of dying.

You can do what you want,
but alone you will suffer,
let god of what he wants,
and your life will prosper.

God promised not of easy life,
but a challenge more fulfilling,
god promised not of long life to live,
but a life worth living
*************************************************************
ARAW, ULAP, HANGIN, TUBIG

Kay ningning mo araw sa iyong pagsikat,
Buong katauhan ay nagliliwanag,
Haring nakatunghay sa kilos ng lahat,
Ang kapangyarihan ay walang kasukat.

Sige pa o araw init mo’y dadamhin,
Tanglawan ang bawat hakbang ko’t gawain,
Ngunit ma’ari bang ningas palamlamin,
Sapagkat tuyo na maging ang damdamin.

Ano ang dahilan at ngayo’y nagngalit
Ibinuhos lahat ang taglay mong init,
Ang pakiramdam ko ang lupa at langit,
Sa nararanasan ay waring naglapit.

At sa pagkalugmok paningi’y nagdilim,
Natakpan ang araw nitong panginorin,
Nadama’y ligaya na walang kahambing,
Ang paghihirap ko’y nagwakas, nagmaliw.

Ulap ang katapat nitong haring araw,
Upang pagbaguhin ang kanyang pananaw,
Sa sikat mong labis at nakakasilaw,
Nanaisin ko bang madama ay ikaw?

Sa pagdidiliryo’y aking naramdaman,
Ang labis na tuwa at kaligayahan,
Ang init ng diwa ngayo’y nahalinhan,
Ng lamig na dulot ng tubig ng ulan.

Lumabis ang tubig at nagsilbing baha,
Nalunod ang puso nawalan ng diwa,
Hangin ang ginagap ng katawang pata,
Lumaya ka unos tigib na ang luha.

Hanging inaasam ngayo’y maghari ka,
Tangayin ang lamig dalhin mo sa iba,
Bawasan ang aking ngayo’y pagdurusa,
Hindi makakilos kalamna’y manhid na.

Kay daming ninais kay daming hiniling,
Araw, ulap, ulan at maging ang hangin,
Hindi kailangang sila’y madaliin,
Sa takdang panahon ay kusang darating.

Lahat ng nais ko ay ‘di pinagkait,
Ngunit ang hiniling sa akin ay labis,
Sapat lang ang dapat na ating makamit,
Sapagkat sa buhay ang sobra’y mapait!
*****************************************************************

olebasisotnas' favorite photos from other Flickr members (2)

  • 131 by Gregg Michael Photography
  • shore by getzy777
 

Contacts (686)

See more...

Groups (5050)

Show more... Show fewer...

Testimonials (0)

olebasisotnas doesn't have any testimonials yet.

Name:
ISABELO SANTOS
Joined:
February 2008
Hometown:
San Rafael, Bulacan
Currently:
San Rafael, Bulacan, Philippines
I am:
Male and Taken
Occupation:
711 store manager