About philippines farmers
www.facebook.com/pages/Philippines/Philippine-Farmers/309...
Munting Nayon
Kaysarap balikan ala-ala sa munting nayon
Sagana sa likas na yaman lupang aking sinilangan
Dito lumaki nagkaisip namulat sa tahimik at magandang kapaligiran
Dito'y sagana sa pagkain, at mayron pang bitaminang pulut pukyutan
Ibat-ibang uring halaman gulay, punot , prutas ang iyong makikita
Naglalakihang punong mangga nara't akasya at marami pang iba
Malinaw na batis isda'y sagana
Sumapit man ang tag-araw tubig nito'y di nauubusan
Marami ring alagang hayop tulad ng pato, manok, kambing, baka't, kalabaw
Sa mga punong kahoy mga ibong namumugad at nagliliparan
Paru-paro't bubuyog naman sa bulak-lak ng rosas at halamanan
At sa ilog nama'y naggagandahang dilag dito'y naglalaba, na sya ring aking paliguan
Ngunit sadyang kaybilis ng panahon
Ang munting langit ay biglang gumuho
Makabagong teknolohiyang pinapairal sa kamunduhan
Ang naglalakihang puno, at busilak na gintoy tila naglaho
Ngayong aking napagmasdan mga gusaling naglalakihan
Mga bata't kabataan kagamitang makateknolohiya dito'y nahihibang
Malaking bahay magarang sasakyan itoy nais nilang makamtam
Lahat silay gahaman sa yaman at bulag sa katutuhanan.
Sa kabilang dako namay, bata't matanda na tila nagugutom
Nakayapak, at tulak-tulak ang kariton na habang binabay-bay ang sementadong kagubatan
Na kung saan abutin ng dilim ay doon narin ang kanilang pahingahan
Pamumulot ng basura ang siyang kanilang ikinabubuhay, at walang sariling tahanan.
Ngayoy nais kong balikan munting nayon na sagana sa likas na yaman
Dito'y nais kong manirahan sa munting paraisong aking kinagigiliwan
Ginto't pilak di na kailangan pagkat ditoy sagana sa pagkaing iyong inaasam.
|
Additional Information
This is a public group.
- Accepted media types:
- Accepted content types:
- Photos / Videos
- Screenshots / Screencasts
- Illustration/Art / Animation/CGI
- Accepted safety levels:
|