About Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de Aranzazu
Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de Aranzazu (Our Lady on Thorns)
Dambana ng Birhen ng Aranzazu
San Mateo, Rizal
Philippines
INANG MAGBABALIK
NUESTRA SEÑORA DE ARANZAZU
NAGHIHINTAY ANG MAHAL NA INA, PABALIKIN NATIN SIYA SA TAHANAN NG ATING PUSO
HINDI SIYA NAGBAGONG ANYO UPANG MAKILALA NG KANYANG MGA ANAK
Ang Birhen ng Aranzazu ay dinala ng mga paring Heswita sa pagitan ng mga taong 1660 at 1704 sa bayan ng San Mateo, na noo’y bahagi pa ng Maynila na ngayo’y bahagi na ng lalawigan ng Rizal. Ang anyo ng imahen ng Birhen ay nakatayo. Dito nagsimula ang pamimintuho sa Mahal na Birhen ng Aranzazu kung saan kinilala siyang Patrona ng Bayan. Sa loob ng mahigit 300 taon, ang Imahen ng nakatayong Birhen ng Aranzazu ay tumatak sa puso ng mamamayan ng San Mateo. Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nasunog ang simbahan at ang orihinal na imahen ng Birhen ng Aranzazu; ngunit nanatili pa ring matatag ang pamimintuho sa Birhen ng Aranzazu, hindi ito nabago sa kabila ng lindol, bagyo at digmaan. Sapagkat nasunog ang orihinal na imahen, ang pribadong imahen ng Pamilya De los Angeles ang pansamantalang ginamit. Pagkalipas ng ilang taon ay nagpagawa ng isa pang imahen ang Pamilya De los Angeles kapalit ng nasunog.
Noong taong 1959, nagpadala ang Basilika ng Birhen ng Aranzazu sa Oñate, España ng imahen ng nakatayong Birhen ng Aranzazu.
Noong taong 1990, si Father Marcel Prudente ay nagpagawa ng malaking rebulto ng nakatayong Birhen ng Aranzazu na yari sa semento na nagsilbing “landmark” ng bayang San Mateo.
Noong taong 1991, ang Parokya ay nagpagawa ng imahen (3 talampakan) na gagamitin sa pagpapalaganap ng debosyon sa Birhen ng Aranzazu.
Noong taong 1994, nagpagawa ng isa pang imahen na 3 talampakan din ang taas sapagkat ang naunang ipinagawa ay naluklok sa altar.
Taong 1995, muling nagpagawa ng imahen (5 talampakan) na nababagay sa bagong ipinagawang altar.
Noong taong 1999, nagulat ang mamamayan ng bayang San Mateo nang bigla na lang napalitan ng imahen ng nakaupong Birhen ang orihinal na anyo ng nakatayong Patrona na dinala ng mga paring Heswita. Ang pagpapalit ay walang konsultasyon o pagsangguni. Ayon kay Msgr. Balbago na kura paroko ng panahong iyon ay “MALI ANG IMAHEN NG BIRHEN NG ARANZAZU NA DINALA NG MGA HESWITA” noong 1704 kaya “MALI RAW ANG DEBOSYON NG MGA TAGA SAN MATEO SA LOOB NG 300 TAON” na naging bahagi na ng tradisyon ng mamamayan, kaya’t nagkaroon ng paniniwala na “MALI ANG ANYO NG NAKATAYO AT TAMA ANG NAKAUPO”, dahilan dito nalagay sa kahihiyan ang mga paring Heswita.
Sa paglipas ng 9 na taon, natuklasan na walang mali sa anyo ng nakatayong Imahen ng Birhen ng Aranzazu, napag-alaman na may iba’t ibang anyo ang Birhen ng Aranzazu maari siyang nakaluhod, nakaupo at nakatayo na tulad ng mga Imahen ng Birhen ng Santo Rosario, Birhen Pastora, Birhen la Consolacion, Birhen Carmelo at Birhen Candelaria, nagkakaroon lamang ng pagkakakilanlan sa mga katawagan sa Imahen ng Mahal na Birhen sa pamamagitan ng simbulo tulad ng Rosaryo, Sinturon, Eskapularyo, ILAW at MANSANAS.
Dahilan sa ang Birhen ng Aranzazu ay tinatawag ding Birhen ng Kampanilya, Birhen sa Tinikan at BIRHEN NG MANSANAS bilang makabagong Eba. Sa isang pagsusuri, natuklasan na mali ang hawak na ilaw ng ipinakikilala ngayong nakaupong Imahen ng Birhen na iniluklok noong 1999, dahil ang hawak na bilog na bagay sa kanang kamay ay Mansanas na kumakatawan sa kanya bilang makabagong Eba, o dili kaya’y “orb” o setro na nagpapakilala bilang isang reyna. SA ISANG MASUSING PAGSISIYASAT, ANG IMAHEN NG BIRHEN NA MAY HAWAK NA ILAW AY TINATAWAG NA BIRHEN NG CANDELARIA AT HINDI BIRHEN NG ARANZAZU. Kailanman ay hindi kinakitaan ng mga sagisag ng Birhen ng Aranzazu ang nakaupong Imahen tulad ng: hindi ito naitungtong sa puno, walang kampanilya, walang “cresent” o media luna, matandang lalaki ang makikita na bisyonaryo na dapat ay batang pastol. Ngunit lahat ng mga sagisag ng Birhen ng Aranzazu ay makikita pala natin na naisasalarawan ng nakatayong Imahen ng Birhen na may mahigit nang 300 taon ng pinagdedebosyonan. Bagamat totoo na may imaheng nakaupong Birhen ng Aranzazu, may isa ring katotohanan na HINDI MALI ANG ANYO NG NAKATAYONG IMAHEN NG BIRHEN NG ARANZAZU NA DINALA NG MGA PARING HESWITA.
Sa hindi inasahang pagkakataon, natuklasan rin na sa ibat-ibang panig ng mundo: sa Espanya, Colombia, Argentina, Peru, Mexico, at ilang bansa sa Europa ay may mga parokya o dambana na ang Patrona ay ANG NAKATAYONG BIRHEN NG ARANZAZU na kung susuriin ay mas matanda pa ang ating Parokya ng 200 taon sa mga ilang nabanggit na lugar. Sa katotohanan, higit na marami ang lugar na may imahen ng nakatayong Birhen ng Aranzazu.
Natuklasan din na labag sa Code of Canon Law (Apostolic Constitution) ng Simbahang Katoliko ang pag-aalis ng may 100 taon nang tradisyon sa isang lugar kabilang na ang m6ga Banal na Imahen. DAHIL DITO, BILANG PAGTALIMA SA CANON LAW, ISINUSULONG NATIN NA MAIBALIK ANG NAKATAYONG IMAHEN NG BIRHEN NG ARANZAZU AT BUKOD DITO, ANG KASALUKUYANG GINAGAMIT NA NAKAUPONG IMAHEN AY HINDI NAGTATAGLAY NG MGA NARARAPAT AT MGA AKMANG SAGISAG NG BIRHEN NG ARANZAZU.
Sa pagbabalik ng Imahen ng nakatayong Birhen ng Aranzazu:
(1) Maitatama ang maling paniniwala sa nakatayong imahen ng Birhen ng Aranzazu.
(2) Maghihilom ang sugat sa mga Hesuwita na labis na ginawang masama dahil sa maling paniniwala.
(3) Magkakaroon ng kabuluhan ang mahigit 300 taong debosyon.
(4) Makatutulong para maigawad ang hangad nating “Canonical Coronation.”
(5) Maiingatan natin ang ating tradisyon.
(6) Makikita ng bagong henerasyon ang magandang kasaysayan ng ating parokya at bayan.
THE CODE OF CANON LAW
Apostolic Constitution
Book I: General Norms
Canon 5 #1 Universal or particular customs which have been in effect up to now but are contrary to the provisions of these canons and are reprobated in the canons of this Code, are completely suppressed, and they may not be allowed to revive in the future. Other contrary customs are also to be considered suppressed, unless the Code expressly provides otherwise, or unless they are centennial or immemorial: these latter may be tolerated if the Ordinary judges that, in the circumstances of place and person, they cannot be removed.
Book I: General Norms, Title II: Custom
Canon 26 Unless it has been specifically approved by the competent legislator, a custom which is contrary to the canon law currently in force, or is apart from the canon law, acquires the force of law only when it has been lawfully observed for a period of thirty continuous and complete years. Only a centennial or immemorial custom can prevail over a canonical law which carries a clause forbidding future customs.
Canon 27 Custom is the best interpreter of laws.
Canon 28 Without prejudice to the provisions of can. 5, a custom, whether contrary to or apart from the law, is revoked by a contrary custom or law. But unless the law makes express mention of them, it does not revoke centennial or immemorial customs, nor does a universal law revoke particular customs.
Book 4, Part II: The Other Acts of Divine Worship
Title IV: The Cult of the Saints, of Sacred Images and of Relics
Canon 1189 The written permission of the Ordinary is required to restore precious images needing repair: those distinguished by reason of age, art or cult, which are exposed in churches and oratories to the veneration of the faithful. Before giving such permission, the Ordinary is to seek the advice of experts.
Canon 1190 #1 It is absolutely wrong to sell sacred relics.
#2 Distinguished relics, and others which are held in great veneration by the people,
may not validly be in any way alienated nor transferred on a permanent basis,
without the permission of the Apostolic See.
#3 The provision of #2 applies to images which are greatly venerated in any church by
The people
*Maaari po ninyong mapanood ang isang Audio-Visual Presentation tungkol sa Birhen ng Aranzazu sa internet sa mga sumusunod na link:
www.youtube.com/watch?v=zq6tDSpE37Y
www.youtube.com/watch?v=vsHssD1PUOU
|
Additional Information
This is a public group.
- Accepted media types:
- Accepted content types:
- Photos / Videos
- Screenshots / Screencasts
- Illustration/Art / Animation/CGI
- Accepted safety levels:
|